Daniel Fernando, pinagkumpara ang acting nina Gerald Anderson at Jake Cuenca

Daniel Fernando, pinagkumpara ang acting nina Gerald Anderson at Jake Cuenca

Matagal na palang hindi gumagawa ng teleserye si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando. Ang Muling Buksan Ang Puso ng ABS-CBN na ginawa niya noong 2012 ang huli niyang teleserye.

Ayon kay Daniel, na-miss niya ang pag-arte kaya niya tinanggap ang Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson at Jake Cuenca.

Ani Daniel, “Hindi talaga ako tumanggap ng teleserye in five years dahil gusto ko, ‘yung schedule, maayos.

“Ngayon, nagkasundo naman kami ng Dreamscape, ng ABS-CBN sa schedule, so napagbibigyan naman nila ako. Binigay ko sa kanila ‘yung mga schedule na hindi ako pwede at pwede ako,” kuwento niya.

Sa Ikaw Lang Ang Iibigin ay kontrabida ang role ni Daniel. Gumaganap siya bilang Rigor na tunay na ama ng karakter ni Jake. Dahil mahusay na aktor sa simula pa lang, marami ang pumupuri sa acting ni Daniel.

Wala naman daw isyu sa pagiging public servant niya kahit pa “masama” siya sa TV.

“Sa reaction ng tao, kayo ang nakasaksi kanina, hindi ba, nakatawa sila? Sanay na ang Bulacan sa akin na manggahasa ako sa TV,” natatawang pahayag niya.

Dagdag pa ng actor, “Sanay na sila sa akin. Alam nila na ako’y kontrabida, tuwang-tuwa sila.”

Tinanong namin si Daniel kung sino ba sa palagay niya ang mas mahusay na aktor between Gerald and Jake na pareho niyang nakakaeksena.

Sey ng aktor, “Iba ‘yung dating ni Jake, eh. Iba rin ‘yung dating ni Gerald. So, pareho naman silang maayos, parehong magaling. Parehong mahusay.

“Iba ‘yung pino-portray ni Gerald, eh. Iba ‘yung pino-portray ni Jake. Villain ‘yung isa, ‘yung isa naman, eh, mabait na bida talaga. So, iba ‘yung attack nila.

“I think, kaya rin ni Gerald na magkontrabida, parang Eddie Garcia at kaya rin ni Jake na magbida. Kaya nila parehas.”

Napangiti naman ang si Vice Gov Daniel nang tanungin namin ang reaksyon niya sa sinasabi ng marami na minsan ay hindi sinasadyang nilalamon niya sa acting sina Gerald at Jake kapag magkaeksena sila.

“Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Kung ano lang naman yung pinapagawa sa akin, yon lang ang ginagawa ko,” sambit pa niya.

Samantala, nakausap ng PUSH si Bulacan Vice Gov. Daniel Fernando sa mass graduation ng kanyang livelihood project sa Bulacan na “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo” na proyekto ng Damayang Filipino Movement, Inc.

 

ABS-CBN

Please Comments

Check Also

Nagin Season 3 Episode 1 Watch On Colors Tv

Nagin Season 3 Episode 1 Watch On Colors Tv

Watch Indian Drama Naagin 3 Episode 1 Watch Full HD Online,Naagin 3 Episode 1 Watch Online,HD …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

loading...