Marco Gumabao signs management contract with Viva Artist Agency

Isang bagong simulain naman para sa kapamilya star na si Marco Gumabao ang kanyang naging desisyon na lumipat sa Viva Artist Agency mula sa Star Magic kung saan tumagal siya ng apat na taon.

Marco Gumabao signs management contract with Viva Artist Agency

Kasama ni Marco ang kanyang dalawang kapatid na sila Katarina Gumabao na isang international na freelance model at ang volleyball player na si Michelle Gumabao na pumirma din ng management contract sa Viva Artist Agency.

 

Ayon kay Marco, napagkasunduan nilang magkakapatid at ng kanilang ama na si Dennis Roldan ang desisyon na ipagkatiwala nag kanilang career sa tulong ng Viva.

“Well siguro it was family decision na maybe to try other opportunities na din. Siyempre with Star Magic sobra ng thankful ako sa lahat ng binigay nila sa akin with the four years na pagsasama namin,” paliwanag ni Marco.

Ngayong opisyal ng Viva artist si Marco, aminado ang binata na looking forward siya sa mga inilalatag na plano sa kanya.

“I’d love to do action movies, yun talaga yung dream ko na gawin. Aside from action, maybe romantic-comedy movie or drama. I want to do something na iba sa mga nagawa natin before.”

Kuwento pa ni Marco, naging maganda din daw ang kanyang pagpapaalam sa mga executives ng Star Magic kung kaya hindi siya nag-alala pa tungkol dito.

“Okay naman lahat. We met with Miss Mariole (Alberto), Mr. M (Johnny Manahan), and Tita Malou Santos last week and nagpaalam kami ng maayos and they understood naman. Siyempre hindi mawawala ang lungkot of course. Four years kami lahat nagsama. But, they understood naman na it was a family decision na we want to explore new options,” pahayag pa ni Marco.

Dahil dito thankful si Marco at ang kanyang mga kapatid sa naging maayos na pag papaalam nila sa Star Magic.

“Actually ka-text ko si Miss Mariole the day after this signing. Ayun she wished me well, she wished me good luck with my new family,” pagtatapos na Pahayag pa ni Marco.

ABS-CBN

Please Comments

Check Also

Kasam 1st June 2018 Full HD Episode 583

Kasam 1st June 2018 Full HD Episode 583

Loading the player... Watch videos online Kasam 1st June 2018 Full latest Episode 583 hd …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

loading...