Noven Belleza on ABS-CBN: ‘Hindi po nila ako binitawan’

Noven Belleza on ABS-CBN: ‘Hindi po nila ako binitawan’

Feeling blessed ngayon ang batch 1 ng Tawag ng Tanghalan finalists na sina Sam Mangubat, Marielle Montellano at ang grand champion na si Noven Belleza dahil pumirma na sila ng recording contract under Star Music.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Noven sa Kapamilya network para sa patuloy na pagtitiwala sa kanya matapos ang pinagdaanan niyang pagsubok.

“Ang ABS-CBN, hindi po nila ako binitawan. Malaki po ang naging papel nila para palakasin pa ang loob ko, lalong lalo na sa pamilya ko. At siyempre sa Panginoon,” pahayag ni Noven.

Malaki din ang pasasalamat ni Noven sa pagka-urong ng kasong sexual assault na isinampa sa kanya kamakailan.

READ: Complainant withdraws case against Noven Belleza

“Sobrang saya and ‘yun po ay isa lamang pagsubok sa buhay at lahat ng tao nakakaranas ng pagsubok. Walang tao po ang hindi kaya ang dumarating na pagsubok sa buhay nila at hindi naman po ibibigay ni Lord yan kung hindi natin kaya lagpasan,” emosyonal na pahayag ni Noven.

Sa kanyang pagpirma naman sa Star Music, aasahan din daw ang patuloy na pagbibigay ni Noven ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang musika kabilang na dito ang kanyang latest single na “Tumahan.”

“Ito pong bagong single ko po para sa pagpapatahan hindi lamang po sa mga umiibig gaya na lang din po ng mga kababayan nating OFW, mga sundalo po na nakikipag laban sa Marawi, para sa kanila po talaga ang awitin na ito,” ani pa ng singer.

Dahil isa nang ganap na recording artist, pangarap din daw ni Noven na maka-duet ang ilan sa magagaling at kilalang mga mang-aawit ngayon.

 

ABS-CBN

Please Comments

Check Also

Nagin Season 3 Episode 1 Watch On Colors Tv

Nagin Season 3 Episode 1 Watch On Colors Tv

Watch Indian Drama Naagin 3 Episode 1 Watch Full HD Online,Naagin 3 Episode 1 Watch Online,HD …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

loading...