Ritz Azul on rumors she’s a lesbian: ‘Siguro dahil no boyfriend since birth’

Ritz Azul on rumors she’s a lesbian: ‘Siguro dahil no boyfriend since birth’

Sa Tonight with Boy Abunda, natawa si Ritz Azul at sinabi niyang “no” nang tanungin siya kung lesbian siya. Aniya, nagkakaroon diumano ng ganitong tsismis dahil, “siguro dahil no boyfriend since birth (ako). 23 years old na ako pero no boyfriend since birth.”

Choice naman diumano niya na hindi pa siya nagkaka-boyfriend. “Choice yun saka priorities. Para sa akin naman kasi hindi necessary na magkaroon na ako ng boyfriend porke 23 years old na ako.”

 

Gusto din ni Ritz na isa lang ang mamahalin niya. “Yes naniniwala ako sa forever Tito Boy e.”

Inamin rin ni Ejay Falcon na hinahanap niya ang kanyang French biological father. Aniya, “Ito naramdaman ko na, na hindi ako buo. Kailangan ko na siya makita para malaman yung kuwento.”

Dagdag pa niya kung bakit ngayon lang niya hahanapin ang totoong ama niya, “Dati kasi kaya ako nag-aalangan baka makasakit ako ng feelings nung tumayong tatay sa akin. Kasi kahit hindi siya yung tunay na tatay ko, naramdaman ko namang hindi ako kulang nung mga panahon na yun.”

Ngayon, diumano napag-uusapan na nila ng “pakonti-konti” ang paghahanap niya sa kanyang biological father at alam niyang hindi na masasaktan ang kanyang ama-amahan.

 

ABS-CBN

Please Comments

Check Also

Kasam 1st June 2018 Full HD Episode 583

Kasam 1st June 2018 Full HD Episode 583

Loading the player... Watch videos online Kasam 1st June 2018 Full latest Episode 583 hd …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

loading...